Saturday, October 5, 2013

Dasal para sa mga guro (Dasal miyappit ihanaddan mimittulo)

Ang ika-5 ng Oktubre ay nakatalaga bilang World Teachers Day.  Sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Proclamation bilang 242 noong 2011, ito ay isang buwang pagdiriwang na nagmumula ika-5 ng Setyembre hanggang sa ika-5 ng Oktubre.  Isa sa mga magandang alay para sa mga guro ay ang pagdarasal para sa kanila.  Sa nabanggit na proklamasyon, nakalakip ang isang dasal na tinatawag na National Prayer for Teachers.

Ang nasabing dalangin ay nasulat sa salitang Ingles.  Napakaganda ang nilalaman ng dasal sapagkat bukod sa ito ay isang dalangin para sa kapakanan ng mga guro, ito rin ay pagsaludo sa kanila at pagkilala sa kanilang napakalaking tungkulin sa lipunan.

Hindi kaya mas espesyal ang dating kung ito ay masalin sa ating mga sariling wika?  Katulad ng sinasabi ng mga nagsusulong ng Mother Tongue-based Education, ating pinaniniwalaan na ang mga salin sa sariling wika ay mas tagos sa puso at mas nararamdaman ng pinag-uukulan ng panalangin at ng lipunang nananalangin.

Ang sumusunod ay isang tangkang pagsasalin ng makahulugang dalangin na ito sa salitang Ifugao (Tuwali).

Dasal di Bimmoble para Inadaan Mimittulu ya Mimittala

He’a an Alpuwan di Nangatu an Punnomnom ya Kabaktuwan an Mittulu
Udhungam tudan mimittulu hinan pamhod mu
Idattam dida nan nahamad an likna an manalipat hitun miyagagan an nomnommi
Ya ta adida umengle idahmin udum an maudi-udi

Wagaham di puhuda te munamamlong da hin nan imaphodanmi di naat
Ya pakohdolonday pungibo’ hin nibbalung ta nan aton
Ipa’dowam didah nan ule
Te nan dalan di pun-adalan mi ya ningamut an bokon lang-lang-uyya

Patubuwon di ispiritun di nulomawom an pangipapati idida
Te hiya nan dalang an munlumu hi nan pamhod mi an mun-adal
Baddangam dida ta matibo da hin ngay kabaelan di oha na mun-ihkul
Te nan pundinol dan dahmi ya ongal di ibalinana mu nan gradu an makayami

Itanom mu idida nan pangipapati an mangitultuluy an mun-adal
Dadiye di mangipatibo ida’mi an adi takutan di balbalu hi innilawon ya hay balbaluh’ hiktamon
Dapawom di puhuda ta mangmangon da tun mangali
Dida di ongal an pangiyunuddanmi hin ngay kaongal nan pohdonmi an maat i da’mi

Bendisyonam nadan mimittulu an immanamut I he’a hitun nala’u
Te nan ingngunuwanda ya mitadtaddog inggana ad uwani

Hana kuma ta nan dilag Mu an maphod an pangiyunnudan di hiya di buminang hi annamin an mittulu
Ta munhamangda hi nan panapit da
Ta puminhodda hi punnomnom da

Ta umibingayda hinan puho da. AMEN.


Ang orihinal na bersyon sa Ingles na Annex A ng Proclamation 242 ay ang sumusunod.

National Prayer for Teachers

Giver of all Wisdom and Greatest of all Teachers,
look upon our teachers with love.
Grant them the resolve to nurture our eager minds
and to never give up on us who fall behind.

Bless their hearts for they rejoice when we succeed
and encourage us when we fail.
Endow them with gentle patience
for the path of learning is never easy.

Kindle a spirit of passion in them.
It is the flame that ignites the love of learning in us.
Help them to see the potential in each student.
Their belief in us means much more than the grade we make.

Instill them a commitment to keep on learning.
It shows us to not fear new knowledge and experiences.
Inspire them to touch the future.
They influence how big a dream we dream for ourselves.

Bless our teachers who have come before
for their work endures to this day.

Let the light of Your example shine upon all teachers.
To build up with their words.
To love with their mind.
To share with their heart. AMEN.

Thursday, September 26, 2013

SOUL: State of Utilizing our Language

The Philippine’s National Statistical Coordination Board (NCSB) has recently posted on its “Sexy Statistics” thread a paper that talked about figures relating to the many languages of the country.    While the statistics cited are dated 2000 and earlier, they still say much about the languages.

As a Cordilleran, what struck me most were the trends that relate to the Cordillera Administrative Region (CAR).

One, a CAR language, identified as Pinangal was the top language least spoken in the Philippines as of 2000 with only 11 households using it, the paper says.  It was actually my first time to hear the word “Pinangal”.  I tried typing it on Google but found no relevant link to describe it.  I just hope that those 11 households multiplied so I can one day hear what “Pinangal” is.

Two, the paper also listed Ifugao and Bontok/Binontok as among the top ten languages with the largest percentage of decreases of users from 1990 to 2000.  Ifugao is cited to have a 36.8 %  decrease  (no. 5 in the top 10) while the Bontok/Binontok is said to have 10.1 % decrease (no. 9) in that ten year period.
I assume that the paper took all Ifugao languages as one.  As far as I know, there are two major Ifugao languages.  One is the what is generally known as Tuwali spoken in the western part and Ayangan spoken in the  eastern part.  Of course there are other languages spoken in the province such as the Kalang-uyya and Ilocano.  The online edition Ethnologue: Languages of the World, seventeenth edition listed four Ifugao languages – Ifugao-Amganad, Ifugao-Batad, Ifugao-Mayoyao, and Ifugao-Tuwali.  While the NCSB paper was not able to provide further details, the more than a third percentage decrease should alarm every Ifugao and start transmitting to the younger generation their native language.  I believe that there’s not much problem with those who stay in the province especially if it were only about being fluently conversant in the Ifugao language since speaking in Tuwali or Ayangan comes naturally in the day-to-day activities.  But language advancement is also about preserving the indigenous knowledge that comes with it including the a’apo (folk tales), the native names of the flora and fauna in the place, the rituals, and the crafts.  The more critical concern is on the language of the Ifugao migrants.  Many Ifugaos leave the province and settle in other places in the Cordillera, Region 1, Region 2 and even as far as Mindanao and overseas.  I wonder if these migrants are able to continue propagating their Ifugao language in their homes.  The paper didn’t mention Ifugao language as among the top generally spoken language in CAR and Region 2 where many Ifugao migrants settle.  It is even beaten by Tagalog in CAR where it is supposedly considered as a home language.

This fruit is a common one and has native varieties in the Cordillera.  I wonder if the young generation knows how is it called in their local languages.  Or perhaps, they know it more as guava, bayabas, or bayyabas.  In the Ifugao language, it is called bebet.

The bright spot among the highland Cordilleran languages is the Kankanaey.  It is the second generally spoken language in the CAR after Ilocano.  It is fourth in Region 1 and fifth in Region 3.  The Region 3 (Central Luzon) speakers most probably are migrants.  The brightest part is that it is one of the Top 20 generally spoken languages in households in the country at number 13.

The moma is a vice that in the Cordilleras, the Ifugaos are most known for.  The basic ingredients are known in the local language as moma (the nut ingredient), hapid (the leaf ingredient), and apul (the lime powder from burned shells).  Recently though, the habit spread to the other localities in Benguet.  In Kankanaey land, the ingredients are known as buwa, gawed, and apog repectively, terms seemingly borrowed from Ilocano language.  In the original concept of punmomommaan (sharing stories and moma), the ingredients are shared and exchanged by people.  It is however become very commercialized as shown in the above photo where even the sari-sari store in a remote barangay has some for sale.  Notice also how this set of ingredients is termed coined from a foreign language – “budget meal”.

There must be something that the Kankanaey speakers are doing, whether a conscious action or not, that speakers of other languages in the Cordillera should emulate.  In my observation in the Baguio City, there are a lot of songs and movies in the Kankanaey language that are produced in CDs and made available in the market.  I believe that they are one good example of things that needs to be done for other local languages.  I observe that there are CDs too in Ibaloi, Ifugao, and Kalinga languages but they are too few as compared to Kankanaey productions.

It is apparent that speakers of the local languages should act to save, preserve, and advance their language.  Don’t get me wrong.  We should learn English as it is the global language, learn Filipino, the nationalized Tagalog so that we can connect to our countrymen, learn Ilocano as it is the language of Northern Philippines, and the many other languages that we can as it is of help to understanding humanity.  But the native language should also be taken cared of as it is our way of sharing our race to the world.


( NCSB’s article is entitled “Many Voices, One Nation: The Philippine Languages and Dialects” and the link is http://www.nscb.gov.ph/sexystats/2013/SS20130830_dialects.asp )


Wednesday, August 28, 2013

Ang Pagtatapos ng Buwan ng Wika

Huling linggo ng Agosto.  Karamihan sa mga paaralan ang nagdadaos ng kanilang pangwakas na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.  Hinala ko na  marami ang nag-aalingawngaw sa mga linyang, “Ang pagmamahal sa Pambansang Wika ay nagsisimula sa unang araw at nagtatapos din sa huling araw ng Agosto.”  Bagaman kadalasang ito’y sinasabi ng pabiro, mayroon itong bahaging makatotohanan.  Isang halimbawa ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga palatuntunan sa buwan ng Agosto ngunit isang banyagang wika ang kadalasang nagagamit sa ibang mga buwan lalo na sa mga lugar na hindi Tagalog, ang saligan ng Filipino, ang karaniwang gamit ng mga tao.
                 Hindi ibig sabihin na ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga palatuntunan ang tanging paraan ng pagpapakita ng pagmamahal nito.  Marami pang ibang paraan para mapalago at mapaunlad sa wika na siya naman talagang pakay ng pagmamahal nito.  At hindi rin ibig sabihin na tanging ang Filipino ang wika sa bansa na kailangang mahalin.  Nariyan ang English na kailangan sa pakikipagtalastasan sa mga taga-ibang bansa.  Ang ating bansa ay isang paboritong destinasyon ng mga banyagang turista kaya kahit ang karaniwang mamayan, hindi lamang ang mga mangangalakal at mga tagapangasiwa ng mga bagay na may kinalaman sa ibang bansa, ay kailangang bihasa sa isang banyagang wika upang maging angkop ang paglalarawan sa ating bansa at pakikitungo sa mga banyaga. Nariyan din ang mga napakaraming katutubong wika na pananagutan ng bawat katutubo na panatilihing buhay.

                Ang wika ay buhay kapag dito umaagos ang kultura ng isang lipunan.  Kultura ang tawag sa mga bagay-bagay – adhikain, kaisipan, paniniwala, kamalayan, at iba pa – na pinaninindigan ng mga kasapi sa lipunang ito.  Halimbawa na lamang ang konsepto ng matuwid na daan.  Ito ay adhikain ng lipunang Filipinas. 
                Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, “Wika Natin ang Daang Matuwid”, ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino na siyang namumuno sa pagsulong ng pagpapaunlad ng Pambansang Wika, ay “patungkol sa kapangyarihan ng Wikang Filipino bilang tagapagbuklod ng iba’t ibang sector sa lipong Filipino tungo sa bisyon ng isang matuwid na daan ng dangal at kaunlaran.”  Ito ay pinangkat sa limang sangay na tema.  Una ay ang Wika bilang wika ng katarungan at kapayapaan.  Pangalawa ay wika laban sa katiwalian.  Pangatlo ay wika bilang sandata laban sa kahirapan.  Pang-apat ay wika para sa mabilisan, ingklusibo at sustenadong kaunlaraan. At panglima, ay wika sa pangangalaga ng kapaligiran. 

                Marami ang nagsasabi na ang tema ay napapanahon lalong-lalo na at sa nakaraang mga linggo ay laman ng balita ang katiwalian patungkol sa Priority Development Assitance Fund (PDAF) na kung nagamit sana sa tamang paraan ay maraming naitulong upang maibsan ang kahirapan, maisulong ang katarungan at kapayapaan, maalagaan ang kapaligiran, at matamo ang ingklusibo at sunstenadong kaunlaran.  Noong nakaraang mahal na araw ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani, ay marami ang nagtipon-tipon sa Maynila at iba pang mga siyudad sa bansa upang iparinig sa mga kinauukulan na ayaw nila sa paglustay ng pera na sa taumbayan din galing sa pamamagitan ng buwis.  Maaring sabihin na wika ang nagbuklod sa mga tao dahil sa pamamagitan ng wika sila nagkakaintindihan sa social networks katulad ng facebook upang magkaroon ng ganyang uri ng makabuluhang pagsasama.  Maingat nating ilahad na hindi lamang Wikang Filipino ang nagamit sa mga pag-imbita sa pagtitipon at hindi rin puro na Wikang Filipino ang nakita sa mga plakards at iba pang paraan ng pagpapahayag ng mga damdamin.  Ngunit masasabi natin na ang mga naipahayag ay ang kaisipang Filipino na ang lipunan ay ayaw sa katiwalian at gusto ng kaunlaran.  Ito ay isang pagpapamalas sa kahulugan ng pag-agos ng kultura sa pamamagitan ng wika.

                Ang pagdiriwang sa Buwan ng Wika ay masasabing magtatapos sa katapusan ngunit ang pagpapahalaga sa wika ay kailangang tuloy-tuloy.  Ang talinghaga ng matuwid na daan na siyang puso ng pagdiriwang ay isang walang humpay na gawain.  Kaakibat ng gawaing ito ang tama at maka-Filipinong pag-iisip.  Wikang maka-Filipino ang susi sa uri ng pag-iisip na ito.